Tropical Storm Maymay

Converge

August 5, 2026

Napanatili ng Bagyong Maymay ang lakas nito habang mabagal na kumikilos sa karagatan sa kanluran ng La Union, ayon sa PAGASA. Itinaas ng ahensya ang Wind Signal No. 2 sa ilang bahagi ng Ilocos at Cordillera at Signal No. 1 naman sa ilang bahagi ng Cagayan Valley at Gitnang Luzon.

Nagbabala rin ang PAGASA ng posibleng matitinding pag-ulan sa mga apektadong lugar dulot ng Bagyong Maymay at ng Habagat.

Masusing binabantayan ng Converge at ng aming partners ang sitwasyon. Nagsagawa na rin kami ng mga kinakailangang hakbang para mabawasan ang anumang epekto ng bagyo sa aming network facilities. Nanatiling naka-high alert at handang magbigay ng kinakailangang suporta ang aming teams para matiyak ang tuloy-tuloy naming serbisyo sa panahong ito.

Na-activate na rin namin ang aming Disaster Preparedness and Response Protocols, na kinabibilangan ng tamang komunikasyon sa lahat ng mga apektado, site inspections, repairs, at pagpapanumbalik ng serbisyo.

Patuloy na bukas para maglingkod sa inyo ang aming online channels. Maaari din ninyong imonitor ang Converge Support social media pages para sa karagdagang updates. Abangan din ang updates at sundin ang advisories ng government agencies.

Ingat, mga ka-Converge!