Loading...
Loading...
Tropical Storm Emong
Converge
July 25, 2025
Matapos mag-exit ng Bagyong Dante sa Philippine Area of Responsibility, inaasahang susunod na rin ang Bagyong Emong bukas na umaga, ayon sa PAGASA.
Nakataas pa rin ang Signals No. 1 and 2 sa ilang bahagi ng Cordillera, Ilocos, at Cagayan Valley. At dahil sa pinatinding Habagat, maaari pa ring maranasan ang matinding pag-ulan sa mga bahagi ng Luzon hanggang Lunes, July 28.
Patuloy na tinututukan ng Converge at ng aming partners ang sitwasyon, at ongoing pa rin ang repair sa aming last-mile network sa sa mga lugar na apektado ng masamang panahon sa Cordillera, Ilocos, Central Luzon, Calabarzon, at Mimaropa.
As of 2:06 p.m., naibalik na ang internet services sa 62% ng aming affected subscribers. Pero maaaring maantala ang repair sa mga lugar na may baha at may panganib ng pagkakoryente.
Para matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo hangga’t maaari, nag-deploy rin kami ng generators para pansamantalang paandarin ang aming network hanggang sa maibalik ang commercial power.
Bagama’t kinailangan pa rin naming pansamantalang isara ang ilang business centers, patuloy ang pagbibigay ng free Wi-Fi at libreng charging sa iilang business centers.
Handa pa ring maglingkod sa inyo ang aming online channels. Maaari din ninyong i-monitor ang Converge Support social media pages para sa karagdagang updates.
Abangan din ang updates at sundin ang advisories ng government agencies. Ingat, Ka-Converge!