Loading...
Loading...
System upgrade
Converge Support
November 5, 2025
Magsasagawa po kami ng system upgrade mula 8 PM ng November 5, 2025 (Miyerkoles) hanggang 10:00 AM ng November 6, 2025 (Huwebes).
Hindi maaapektuhan ang inyong internet connection during the activity. Pansamantalang magiging inaccessible sa mga oras na ito ang GoFiber at BIDA Fiber websites, maging ang aming mobile apps.
Ang aming voice support ay magiging available hanggang 8:00 PM sa Nov. 5 at mula 10:00 AM sa Nov 6. Limitado ang mga transaksyon na maaaring gawin habang isinasagawa ang system upgrade. Ang inyong mga bayad ay mapopost sa inyong account pagkatapos ng system upgrade.
Hinihikayat po namin kayong tapusin ang inyong mga transaksyon bago o pagkatapos ng aming system upgrade para maiwasan ang anumang abala.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na pagtitiwala.