Loading...
Loading...
Severe Tropical Storm Fung-wong
Converge
November 7, 2025
Inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility mamayang gabi o bukas ng umaga ang Severe Tropical Storm Fung-Wong at tatawaging Uwan. Posible itong maging super typhoon sa weekend at maaaring mag-landfall sa Lunes sa Hilaga o Gitnang Luzon.
Masusing binabantayan ng Converge at ng aming partners ang sitwasyon. Nagsagawa na rin kami ng mga kinakailangang hakbang para mabawasan ang anumang epekto ng parating na bagyo sa aming network facilities. Nanatiling naka-high alert at handang magbigay ng kinakailangang suporta ang aming teams para matiyak ang tuloy-tuloy naming serbisyo sa panahong ito.
In-activate na rin namin ang aming Disaster Preparedness and Response Protocols, na kinabibilangan ng tamang komunikasyon sa lahat ng mga apektado, site inspections, repairs, at pagpapanumbalik ng serbisyo.
Patuloy na bukas para maglingkod sa inyo ang aming online channels. Maaari din ninyong imonitor ang Converge Support social media pages para sa karagdagang updates. Abangan din ang updates at sundin ang advisories ng government agencies.
Ingat, mga ka-Converge!