Scam alert: Mag-ingat sa mga nag-aalok ng 'discount' sa inyong bill
Converge Support
April 17, 2025
Mag-ingat sa mga scammer na nag-aalok ng “discount” sa inyong bill.
Kokontakin nila kayo sa social media o sa messaging apps at sasabihing eligible ang inyong account sa 50% discount sa loob nang tatlong buwan.
Magbibigay sila ng e-wallet account number na sasabihin nilang pagmamay-ari ng Converge. Hihikayatin nila kayong bayaran ang buong halaga ng inyong bill, at mangangako silang ire-refund ang kalahati ng inyong ibabayad.
Maaari din nila kayong tawagan para pag-usapan ang kanilang bogus na offer.
Huwag pumatol sa ganitong modus. Sa halip na makatipid, mawawalan pa kayo ng pera. Magbayad lamang sa authorized payment channels ng Converge: https://cnvrge.co/iwanttopay. Siguruhin ding bill payment at hindi bank transfer ang inyong transaction.
Makikita ang mga lehitimong promo ng Converge sa aming official social media accounts: Converge FiberX, S2S Internet, at BIDA Fiber.
Para sa concerns kaugnay ng inyong account, i-PM ang Converge Support sa Messenger: https://m.me/ConvergeSupport