Scam alert

Converge Support

August 29, 2025

SCAM ALERT! May mga nagpapakilalang taga-Converge na nangongolekta ng bayad o nag-o-offer ng rebate. Nagbibigay sila ng bank o e-wallet account para makuha ang inyong pera. Huwag magpaloko!

Hindi po tumatanggap ang Converge ng bayad sa bill through direct bank deposit, e-wallet deposit, o fund transfer. Kung magbabayad gamit ang bank o e-wallet app, laging piliin ang bill payment option. Huwag na huwag magpadala ng bayad gamit ang fund transfer.

Magbayad lang through our official payment channels — sa GoFiber app, sa Converge business centers, at sa authorized payment partners na nakalista sa link na ito: cnvrge.co/iwanttopay

I-report agad sa Converge Support ang mga kahina-hinalang taong gumagamit ng pangalan ng Converge:

Facebook: Converge Support
X (formerly Twitter): x.com/ConvergeSupport

Ingat, Ka-Converge!