Loading...
Loading...
Sarangani earthquake operational update
Converge
June 8, 2026
Niyanig ng isang magnitude 7.8 na lindol ang Sarangani at mga kalapit na lalawigan ngayong umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Naglabas ng tsunami warning ang ahensiya at pinayuhan ang mga residente sa mga baybayin ng Sarangani, Sulu, Zamboanga Sibugay, Davao Occidental, Basilan, Sultan Kudarat, Tawi-Tawi, Zamboanga del Sur, at South Cotabato na agarang lumikas patungo sa mas mataas na lugar.
Pangunahing prayoridad ng Converge ang kaligtasan ng aming customers, partners, at mga empleyado. Patuloy naming minomonitor ang sitwasyon.
Service and Network Status: FULLY OPERATIONAL
Core Network: Hindi apektado, nananatiling matatag, at nag-o-operate nang ayon sa normal parameters ang aming core network.
Power Supply: Bagama’t pansamantalang pinutol ng local electric cooperative ang commercial power sa mga apektadong lugar bilang safety precaution, nakalipat kami sa backup power at nananatiling fully operational ang aming services.
Disaster Response: In-activate na namin ang aming Disaster Preparedness and Response Protocols. Nananatiling handang magbigay ng kinakailangang suporta ang aming teams para sa mabilisang site inspections at repairs kung kakailanganin.
Temporary Business Center Closure: Para sa kaligtasan ng publiko at ng aming staff pansamantala naming isinara sa araw na ito ang ilan naming business centers:
Support and Assistance: Pinapayuhan ang lahat ng nasa mga apektadong lugar na unahin ang inyong kaligtasan at sundin ang safety advisories mula sa inyong lokal na pamahalaan. Patuloy na bukas para maglingkod sa inyo ang aming online channels.
Ingat, ka-Converge!