Loading...
Loading...
Lindol sa Mindoro
Converge Support
August 7, 2026
Niyanig ng isang magnitude 5.4 na lindol ang Mindoro at mga karatig-lugar ngayong umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Bagama't nagbabala ang ahensya ng posibleng aftershocks, wala namang inaasahang malaking damage mula sa lindol na ito.
Priyoridad ng Converge ang kaligtasan ng lahat ng aming customers, partners, at mga empleyado sa apektadong lugar.
Wala pa ring patid ang serbisyo ng Converge at nananatiling fully functional ang aming core network sa kabila ng nangyaring lindol. In-activate na rin namin ang aming Disaster Preparedness and Response Protocols at patuloy na tinututukan ng aming technical teams ang sitwasyon para sa emergency repairs.
Patuloy na bukas para maglingkod sa inyo ang aming business centers at online channels. Maaari din ninyong imonitor ang Converge Support social media pages para sa mga updates.
Pinapayuhan ang lahat ng nasa mga apektadong lugar na patuloy na sundin ang safety advisories mula sa inyong lokal na pamahalaan at respective authorities.
Ingat, ka-Converge!