Loading...
Loading...
Lindol sa Davao Occidental
Converge
June 26, 2026
Niyanig ng isang magnitude 6.6 na lindol ang Davao Occidental at mga kalapit na lalawigan ngayong gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Bagama't nagbabala ang ahensya ng posibleng damage at aftershocks, nilinaw nitong walang banta ng tsunami mula sa lindol na ito.
Priyoridad ng Converge ang kaligtasan ng lahat ng aming customers, partners, at mga empleyado sa apektadong lugar.
Pinapayuhan ang lahat ng nasa mga apektadong lugar na patuloy na sundin ang safety advisories mula sa inyong lokal na pamahalaan at respective authorities.
Wala pa ring patid ang serbisyo ng Converge at nananatiling fully functional ang aming core network sa kabila ng nangyaring lindol. In-activate na rin namin ang aming Disaster Preparedness and Response Protocols at patuloy na tinututukan ng aming technical teams ang sitwasyon para sa emergency repairs.
Patuloy na bukas para maglingkod sa inyo ang aming online channels. Maaari din ninyong imonitor ang Converge Support social media pages para sa mga updates.
Ingat, ka-Converge!