Kanlaon Volcano eruption

Converge

July 10, 2026

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), pumutok ang Bulkang Kanlaon sa Negros at nagdulot ng ashfall sa malaking bahagi ng Negros pati na rin sa kanlurang bahagi at ilang lugar sa Metro Cebu.

Nananatiling nakataas ang Alert Level 3 at ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-km radius mula sa bunganga ng Kanlaon at ang paglipad ng anumang sasakyang panghimpapawid.

Sa ngayon, walang service-affecting disruption na nakakaapekto sa aming network sa Negros.  Nanatili namang naka-high alert at handang magbigay ng kinakailangang suporta ang aming teams para matiyak ang tuloy-tuloy naming serbisyo sa panahong ito.

Tinututukan ng Converge at ng aming partners ang sitwasyon at minomonitor ang updates at advisories mula sa PHIVOLCS at local government units. In-activate na rin namin ang aming Disaster Preparedness and Response Protocols para matiyak ang kaligtasan ng aming mga empleyado, partners, at customers. 

Hinihikayat namin ang aming customers sa Negros na sundin ang nararapat na safety measures, gaya ng pagsusuot ng N95 o KN95 facemasks.

Nananatiling bukas para maglingkod sa inyo ang aming online channels. Maaari din ninyong imonitor ang Converge Support social media pages para sa karagdagang updates.

Ingat, ka-Converge!