Scam Alert: Huwag magbigay ng pera kung kani-kanino

Converge Support

May 21, 2025

Huwag magbigay ng pera kung kani-kanino lang. Magbayad lang sa aming authorized payment channels — sa GoFiber app, sa Converge business centers, at sa payment partners na nakalista sa link na ito: cnvrge.co/iwanttopay

Mahalagang paalala: Hindi kami tumatanggap ng bayad sa bill sa pamamagitan ng direktang deposit sa bangko o e-wallet o direct fund transfer. Kung magbabayad gamit ang bank o e-wallet app, palaging piliin ang bill payment option. Huwag na huwag magpadala ng bayad gamit ang funds transfer.

I-report sa Converge Support ang mga kahina-hinalang taong gumagamit ng pangalan ng Converge:

Facebook: Converge Support
X (formerly Twitter): x.com/ConvergeSupport

Ingat, Ka-Converge