Heavy rainfall advisory

Converge Support

August 9, 2026

Nagbabala ang PAGASA na magpapatuloy ang Habagat, na magdadala ng malalakas na pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon hanggang bukas ng tanghali.

Nakataas ang Red Rainfall Warning (>200 mm) sa Benguet, kung saan posible ang malawakan at malubhang pagbaha, pati na rin ang landslides.

Nasa ilalim naman ng Orange Rainfall Warning (100–200 mm) ang Ilocos Sur, La Union, Zambales, Bataan, Metro Manila, Rizal, Cavite, Batangas, at Occidental Mindoro.

Samantala, nakataas naman ang Yellow Rainfall Warning (50–100 mm) sa Ilocos Norte, Abra, Pangasinan, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Nueva Vizcaya, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Laguna, Oriental Mindoro, at Antique.

Priyoridad ng Converge ang kaligtasan ng lahat ng aming customers, partners, at mga empleyado sa mga apektadong lugar. Dahil dito, maaaring manatiling sarado ang ilang business centers namin bukas. Posible ring maantala ang installation at repair sa mga lugar na may baha at may dalang panganib dahil sa ulan.

Tiyaking ang inyong modem at ibang gadgets ay nasa mataas na lugar na hindi maaabot ng tubig-ulan ‘pag bumaha. Maghanda rin para sa posibleng brownouts.

Patuloy na sinisikap ng aming network teams na maibalik ang connection sa mga apektadong lugar sa Cordillera, Central Luzon, at CALABARZON. As of 2:02 PM, naibalik na ang internet services sa 55% ng aming subscribers na apektado ng ulan at bahang dala ng Habagat.

Bukas pa rin para maglingkod sa inyo ang aming hotlines at social media channels, pero maaaring magkaroon ng kaunting delay sa aming pagsagot sa panahong ito. Puwede rin kayong mag-report ng inyong concerns via email sa customercare@convergeict.com.

Paki-monitor ang Converge Support social media pages para sa mga updates.

Ingat, mga ka-Converge!