Loading...
Loading...
Heavy rainfall advisory
Converge Support
August 8, 2026
Nagbabala ang PAGASA ngayong hapon ng walang humpay na pag-ulan sa mga lugar sa Metro Manila, Pampanga, Bulacan, Bataan, Laguna, Cavite, Zambales, Batangas, Mindoro, Palawan, Antique, at Aklan. Nagdadala ito ng panganib ng matinding baha sa mabababang lugar at mga malapit sa daluyan ng tubig. Hinihikayat ng mga awtoridad ang paglikas sa lugar na ligtas sa pagbaha at pagguho ng lupa.
Priyoridad ng Converge ang kaligtasan ng lahat ng aming customers, partners, at mga empleyado sa apektadong lugar. Dahil dito, maagang nagsara ngayong araw ang aming business centers sa Marikina, Valenzuela, Parañaque, at buong probinsya ng Batangas. Maaari ring maantala ang installation at repair sa mga lugar na may baha at may dalang panganib dahil sa ulan.
Siguraduhin din na ang inyong modem at ibang gadgets ay nasa mataas na lugar na hindi maaabot ng tubig-ulan 'pag bumaha.
Patuloy na bukas para maglingkod sa inyo ang aming online channels. Maaari din ninyong i-monitor ang Converge Support social media pages para sa mga updates.
Ingat, mga ka-Converge!