Loading...
Loading...
Heavy rainfall advisory
Converge Support
August 10, 2026
Nagpapatuloy ang pag-ihip ng Habagat, na nagdadala ng malakas na pag-ulan sa mga bahagi ng Luzon, ayon sa PAGASA.
As of 8:00 AM, nakataas ang Orange Warning Level sa Zambales, Bataan, Metro Manila, at mga bahagi ng Pampanga, Cavite, Bulacan, at Batangas. Nangangahulugan ito ng banta ng pagbaha kaya’t pinaghahanda sa posibleng paglikas ang mga residente sa mabababang lugar at mga malapit sa daluyan ng tubig.
Priyoridad ng Converge ang kaligtasan ng lahat ng aming customers, partners, at mga empleyado sa mga apektadong lugar. Dahil dito, pansamantalang sarado ang Converge business centers sa Quezon City, at sa Guagua at San Fernando sa Pampanga. Posible ring maantala ang installation at repair sa mga lugar na may baha at may dalang panganib dahil sa ulan.
Tiyaking ang inyong modem at ibang gadgets ay nasa mataas na lugar na hindi maaabot ng tubig-ulan ‘pag bumaha. Maghanda rin para sa posibleng brownouts.
Patuloy na sinisikap ng aming network teams na maibalik ang connection sa mga apektadong lugar sa Cordillera, Ilocos, Central Luzon, at CALABARZON. As of 10:11 AM, naibalik na ang internet services sa 76% ng aming subscribers na apektado ng ulan at bahang dala ng Habagat.
Bukas pa rin para maglingkod sa inyo ang aming hotlines at social media channels, pero maaaring magkaroon ng kaunting delay sa aming pagsagot sa panahong ito. Puwede rin kayong mag-report ng inyong concerns via email sa customercare@convergeict.com.
Paki-monitor ang Converge Support social media pages para sa mga updates.
Ingat, mga ka-Converge!