Habagat advisory

Converge Support

August 19, 2026

Dala ng Habagat, nagpapatuloy ang banta ng matinding pag-ulan at posibleng pagbaha sa Metro Manila at mga bahagi ng Central Luzon at Southern Luzon.

Kaninang 11 AM, itinaas ng PAGASA ang Red Warning Level sa Bataan at mga bahagi ng Zambales, Cavite, Batangas, Tarlac, Pampanga, Bulacan, at Occidental Mindoro.

Nasa Orange Warning Level naman ang Metro Manila at mga bahagi ng Nueva Ecija, Laguna, at Rizal, gayundin ang iba pang bahagi ng Zambales, Cavite, Batangas, Tarlac, Pampanga, Bulacan, at Occidental Mindoro.

Nakataas naman ang Yellow Warning Level sa mga bahagi ng Palawan at iba pang bahagi ng Nueva Ecija, Laguna, Rizal, Batangas, at Bulacan.

I-check ang online channels ng PAGASA at ng inyong LGUs para sa pinakabagong warning levels at advisories. Kung nasa lugar na maaaring bahain, maging alerto at sundin ang evacuation instructions ng inyong LGU. 

Para maprotektahan ang inyong modem at gadgets, ilagay ang mga ito sa mataas at tuyong lugar na hindi maaabot ng tubig-ulan. Maghanda rin sa posibleng brownouts.

Patuloy na sinisikap ng aming network teams na maibalik ang connection sa mga apektadong lugar sa Cordillera, Central Luzon, CALABARZON at Metro Manila. As of 11:33 AM, naibalik na ang internet services sa 90% ng aming subscribers na apektado ng ulan at bahang dala ng Habagat. 

Priyoridad ng Converge ang kaligtasan ng lahat ng aming customers, partners, at mga empleyado sa mga apektadong lugar. Dahil dito, posibleng maantala ang installation at repair sa mga lugar na may baha at may dalang panganib dahil sa ulan. 

Pansamantalang sarado ang aming business centers sa Quezon City, Valenzuela City, at San Fernando City, Pampanga. May free Wi-Fi at charging stations naman tayo sa ilan naming business centers sa mga apektadong lugar.

Patuloy na bukas para maglingkod sa inyo ang aming online channels. Maaari din ninyong imonitor ang Converge Support social media pages para sa karagdagang updates.

Ingat, mga ka-Converge!