Loading...
Loading...
Habagat advisory
Converge Support
August 18, 2026
Mag-ingat sa matinding pag-ulan at posibleng pagbaha.
Itinaas ng PAGASA kaninang 8 AM ang Red Warning Level sa Bataan, Occidental Mindoro, at mga bahagi ng Batangas at Zambales dahil sa banta ng matinding pagbaha.
Nasa Orange Warning Level naman sa Cavite, Oriental Mindoro, mga bahagi ng Laguna, Quezon, Pampanga, Bulacan, Palawan, at iba pang bahagi ng Batangas at Zambales.
Samantala, nasa Yellow Warning Level ang Metro Manila, mga bahagi ng Rizal, Tarlac, at iba pang bahagi ng Laguna, Bulacan, Pampanga, Quezon, Palawan, at Zambales.
I-check ang online channels ng PAGASA at ng inyong LGUs para sa pinakabagong warning levels at advisories. Kung nasa lugar na maaaring bahain, maging alerto at sundin ang evacuation instructions ng inyong LGU.
Para maprotektahan ang inyong modem at gadgets, ilagay ang mga ito sa mataas at tuyong lugar na hindi maaabot ng tubig-ulan. Maghanda rin sa posibleng brownouts.
Patuloy na sinisikap ng aming network teams na maibalik ang connection sa mga apektadong lugar sa CALABARZON at Central Luzon, partikular sa Zambales, kung saan nagkaroon ng fiber cut dahil sa pagguho ng lupa.
Priyoridad ng Converge ang kaligtasan ng lahat ng aming customers, partners, at mga empleyado sa mga apektadong lugar. Dahil dito, posibleng maantala ang installation at repair sa mga lugar na may baha at may dalang panganib dahil sa ulan.
Bukas pa rin para maglingkod sa inyo ang aming business centers, hotlines, at social media channels. Puwede rin kayong mag-report ng inyong concerns via email sa customercare@convergeict.com.
Ingat, mga ka-Converge!