ConvergeConverge Logo LightConverge Logo Dark
Go back to homepage
  1. About Us
  2. /
  3. /
  4. Bagyong Opong Sept 25...

You are at

  • News
  • Videos
  • Advisories
  • Archives
  • Press Resources

Loading...

@2025 Converge ICT Solutions. All rights reserved.

Privacy NoticeCookies PolicyTerms & Conditions
logologologologo

Bagyong Opong

Converge Admin

September 25, 2025

Itinaas ng PAG-ASA ang wind signals sa kalakhan ng Luzon, Eastern Visayas, at ilang isla sa Mindanao. Asahan din ang malakas na ulan sa Metro Manila, katimugang Luzon at ilang bahagi ng Visayas at Mindanao hanggang bukas.

Patuloy na tinututukan ng Converge at ng aming partners ang sitwasyon. Nagsagawa na rin kami ng mga kinakailangang hakbang para mabawasan ang anumang epekto ng inaasahang masamang panahon sa aming network facilities.
 
Nanatiling naka-high alert at handang magbigay ng kinakailangang suporta ang aming teams para matiyak ang tuloy-tuloy naming serbisyo sa panahong ito.

In-activate na rin namin ang aming Disaster Preparedness and Response Protocols, na kinabibilangan ng tamang komunikasyon sa lahat ng mga apektado, site inspections, repairs, at pagpapanumbalik ng serbisyo. 

Nananatiling bukas para maglingkod sa inyo ang aming online channels. Maaari din ninyong imonitor ang Converge Support social media pages para sa karagdagang updates.

Ingat, ka-Converge!