Loading...
Loading...
Bagyong Maymay
Converge Support
August 6, 2026
Humina ang Bagyong Maymay matapos mag-landfall sa Ilocos Sur kaninang madaling-araw, ayon sa PAGASA. Nakataas pa rin ang Wind Signal No. 1 sa hilagang Luzon at ilang bahagi ng Aurora.
Nagdudulot pa rin ito ng malakas hanggang sa napakalakas na ulan sa Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, at Benguet, habang nagdadala naman ang Habagat ng katamtaman hanggang sa malakas na ulan sa Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON, at Occidental Mindoro.
Masusing binabantayan ng Converge at ng aming partners ang sitwasyon.
Patuloy na sinisikap ng aming network teams na maibalik ang connection sa mga apektadong lugar sa Cordillera, Ilocos, Cagayan Valley, at Western Visayas. As of 12:47 PM, naibalik na ang internet services sa 47% ng aming subscribers na apektado ng Bagyong Maymay.
Para sa kaligtasan ng aming mga empleyado, partners, at customers, sarado muna ngayong araw ang mga sumusunod na business centers:
Baguio City
La Trinidad, Benguet
Laoag, Ilocos Norte
Candon City, Ilocos Sur
Vigan City, Ilocos Sur
Patuloy na bukas para maglingkod sa inyo ang aming online channels. Maaari din ninyong imonitor ang Converge Support social media pages para sa karagdagang updates. Abangan din ang updates at sundin ang advisories ng government agencies.
Ingat, mga ka-Converge!