Loading...
Loading...
Severe Tropical Storm Uwan
Converge
November 11, 2025
Ang Bagyong Uwan, na nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility, ay humina at naging severe tropical storm. Pero nananatili ang Signal No. 2 sa pinakahilagang bahagi ng Luzon, kaya pinapayuhan pa rin ang mga residente sa mga apektadong lugar na maging alerto at sumunod sa safety precautions.
Patuloy na sinisikap ng aming network teams na maibalik ang connection sa mga apektadong lugar sa Cordillera, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, at Bicol. Karamihan ng nawalan ng serbisyo ay dahil sa brownout o pagbagsak ng mga kable sa mga nasabing lugar. As of 11:15 AM, naibalik na ang internet services sa 72% ng aming subscribers na apektado ng Bagyong Uwan.
Nag-deploy rin kami ng mga genset para pansamantalang paandarin ang aming network hanggang sa maibalik ang commercial power sa mga lugar na tinamaan ng brownout. Pero dahil isinasaalang-alang namin ang ang kaligtasan ng aming crew, maaaring maantala ang repair sa mga lugar na may baha at may panganib ng pagkakuryente.
Para sa kaligtasan ng aming mga empleyado, partners, at customers, pansamantala naming isinara ngayong araw ang aming business centers sa Benguet. Bilang tulong sa ating mga apektadong kababayan, may free Wi-Fi at charging stations tayo sa karamihan sa aming business centers sa Luzon at Visayas.
Handa pa ring maglingkod sa inyo ang aming online channels. Maaari din ninyong imonitor ang Converge Support social media pages para sa karagdagang updates. Abangan din ang updates at sundin ang advisories ng government agencies.
Ingat, mga ka-Converge!