Lindol sa Davao
Converge
October 10, 2025
Niyanig ngayong umaga ng 7.5 magnitude na lindol ang Davao Oriental at mga karatig-lalawigan, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Nagbabala ang ahensiya ng posibleng damage at aftershocks.
Naglabas din ang PHIVOLCS ng tsunami warning at pinayuhan ang mga komunidad sa mga baybayin ng Eastern Samar, Dinagat Islands, Davao Oriental, Southern Leyte, Surigao Del Norte, Leyte, and Surigao Del Sur na lumikas.
Hangad ng Converge ang kaligtasan ng lahat ng aming customers, partners, at mga empleyado sa apektadong lugar.
Wala kaming namonitor na impact ng lindol sa aming core network, na nananatiling matatag at nag-o-operate nang ayon sa normal parameters. Masusi naming binabantayan ang aming network sa gitna ng mga aftershocks. Nagsagawa na rin kami ng mga kinakailangang hakbang para mabawasan ang anumang epekto ng lindol sa aming network facilities.
Nanatiling naka-high alert at handang magbigay ng kinakailangang suporta ang aming teams para matiyak ang tuloy-tuloy naming serbisyo sa panahong ito.
In-activate na rin namin ang aming Disaster Preparedness and Response Protocols, na kinabibilangan ng tamang komunikasyon sa lahat ng mga apektado, site inspections, repairs, at pagpapanumbalik ng serbisyo.
Para matulungan ang ating mga apektadong kababayan na patuloy na maka-contact sa kanilang mga mahal sa buhay, may free Wi-Fi at charging stations tayo sa aming business centers sa mga apektadong lugar.
Patuloy na bukas para maglingkod sa inyo ang aming online channels. Maaari din ninyong imonitor ang Converge Support social media pages para sa karagdagang updates.
Ingat, mga ka-Converge!