Lindol sa Cebu

Converge

October 2, 2025

Ayon sa latest update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, 72 ang namatay, 294 ang nasaktan, 597 bahay ang nasira, at 85 bayan at lungsod sa Visayas ang nagka-brownout dahil sa magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Cebu noong Martes na gabi.

Tinamaan din ng lindol ang aming submarine cable na nagdurugtong sa Cebu at Leyte, at nakaapekto ito sa ilan naming customers sa Leyte. Sinisikap na ng aming technical team na matapos ang repair sa loob ng 24 hanggang 48 oras.

Patuloy kaming nakikipag-ugnayan sa aming partners, electric utilities, local government units, at iba pang stakeholders para maibalik kaagad ang connection sa mga apektadong lugar.

May free Wi-Fi at charging stations din sa aming business centers para makatulong sa mga nangangailangan ng agarang connection sa kanilang mga mahal sa buhay.

Nananatili pa ring bukas para maglingkod sa inyo ang aming online channels. Maaari din ninyong imonitor ang Converge Support social media pages para sa karagdagang updates. 

Ingat, ka-Converge!