Loading...
Loading...
Habagat at Low Pressure Areas
Converge
July 22, 2025
Pagkatapos ng Bagyong Crising at sa gitna ng malakas na ulan at bahang dulot ng Hanging Habagat, binabantayan ng PAGASA ang tatlong low pressure area, na ang isa may malaking posibilidad na maging bagyo sa loob ng 24 oras.
Nagbabala rin ang PAGASA na magpapatuloy ang malakas na ulan ngayong linggo sa mga bahagi ng Luzon at Visayas.
Bagama’t walang naging malaking impact ang Habagat sa aming core network, na nananatiling matatag at nag-o-operate nang ayon sa normal parameters, naapektuhan nito ang aming last-mile network sa mga lugar na tinamaan at nakaranas ng power outages, pagbaha, at fiber cuts. Ongoing pa rin ang repair work sa mga lugar na kinabibilangan ng Metro Manila, Calabarzon, Cagayan Valley, Cordillera, at Ilocos. As of 2:17 p.m., naibalik na ang internet services sa 96% ng aming subscribers.
Para sa kaligtasan ng aming mga empleyado, partners, at customers, pansamantala rin naming isinara ngayong araw ang ilang business centers sa mga lugar na binaha.
Patuloy na tinututukan ng Converge at ng aming partners ang sitwasyon. Nagsagawa na rin kami ng mga kinakailangang hakbang para mabawasan ang anumang epekto ng inaasahang masamang panahon sa aming network facilities.
Nanatiling naka-high alert at handang magbigay ng kinakailangang suporta ang aming teams para matiyak ang tuloy-tuloy naming serbisyo sa panahong ito.
In-activate na rin namin ang aming Disaster Preparedness and Response Protocols, na kinabibilangan ng tamang komunikasyon sa lahat ng mga apektado, site inspections, repairs, at pagpapanumbalik ng serbisyo.
Nananatiling bukas para maglingkod sa inyo ang aming online channels. Maaari din ninyong imonitor ang Converge Support social media pages para sa karagdagang updates.
Ingat, Ka-Converge!