Loading...
Loading...
Bagyong Tino
Converge
November 4, 2025
Matapos magbuhos ng katumbas nang mahigit isang buwang ulan at bahain ang ilang bahagi ng Visayas, lalo pang humina ang Bagyong Tino, ayon sa PAGASA.
Batay sa pinakahuling bulletin ng ahensya, nakataas ang Signal No. 4 sa Cuyo Islands, Guimaras, at ilang bahagi ng Antique at Iloilo, habang Signal No. 3 sa Palawan (Calamian Islands), Aklan, Capiz, iba pang bahagi ng Antique at Iloilo, at hilagang bahagi ng Negros.
Nakataas naman ang Signal No. 2 sa timog-kanlurang bahagi ng Masbate, timog Mindoro, timog Romblon, hilagang Palawan, Cebu (kabilang ang Bantayan Islands), hilagang-kanlurang Bohol, at ilang bahagi ng Negros. Nananatiling Signal No. 1 sa Southern Luzon, at ilan pang bahagi ng Visayas.
Inaasahan pa rin ang malalakas na pag-ulan sa Western Visayas at Palawan, kung saan posibleng umabot sa mahigit 200 mm ang dami ng ulan sa ilang lugar. Katamtaman hanggang malakas na pag-ulan din ang mararanasan sa mga bahagi ng Mindoro, Cebu, Bohol, Negros, at mga kalapit na lugar, bago ito humina pagsapit ng Huwebes at tumuon sa Palawan at Occidental Mindoro.
Bagama’t walang impact ang bagyo sa aming core network, naapektuhan nito ang aming last-mile network sa mga lugar na nakaranas ng brownout, pagbaha, at fiber cuts. Patuloy na tinututukan ng Converge at ng aming partners ang sitwasyon, at ongoing na ang repair work sa Visayas, Bicol, CALABARZON, at Northern Mindanao. As of 2:35 p.m., naibalik na ang internet services sa 75% ng aming subscribers na apektado ng Bagyong Tino.
Para matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo hangga’t maaari, nag-deploy rin kami ng generators para pansamantalang paandarin ang aming network hanggang sa maibalik ang commercial power. Pero dahil isinasaalang-alang namin ang ang kaligtasan ng aming crew, maaaring maantala ang repair sa mga lugar na may baha at may panganib ng pagkakuryente.
Para din sa kaligtasan ng aming mga empleyado, partners, at customers, pansamantala naming isinara ngayong araw ang aming business centers sa mga apektadong lugar.
Handa ring maglingkod sa inyo ang aming online channels. Maaari din ninyong imonitor ang Converge Support social media pages para sa karagdagang updates. Abangan din ang updates at sundin ang advisories ng government agencies.
Ingat, mga ka-Converge!