Bagyong Tino
Converge
November 3, 2025
Lumakas at naging typhoon na ang Bagyong Tino kaninang umaga, at napanatili nito ang kanyang lakas habang kumikilos pakanluran sa Philippine Sea, ayon sa PAGASA.
Nakataas na ang Signal No. 4 sa Dinagat Islands at Siargao–Bucas Grande Islands. Signal No. 3 sa ilang bahagi ng Eastern at Central Visayas at sa natitirang bahagi ng Surigao del Norte, habang sakop ng Signal No. 2 ang Masbate, malaking bahagi ng Visayas, at ilang bahagi ng Caraga at Northern Mindanao. Samantala, nananatiling nakataas ang Signal No. 1 sa ilang bahagi ng Bicol, MIMAROPA, CALABARZON, at karagdagang mga lugar sa Visayas at Mindanao.
Inaasahan ang malakas na pag-ulan sa Eastern Visayas at Dinagat Islands ngayong araw, na lalawak at lilipat patungong Western Visayas bukas. Magpapatuloy naman ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Eastern Visayas, Bicol, MIMAROPA, at Northern Mindanao hanggang Miyerkoles.
Bagama’t walang impact ang bagyo sa aming core network, naapektuhan nito ang aming last-mile network sa mga lugar na nakaranas ng pagbaha at fiber cuts. Patuloy na tinututukan ng Converge at ng aming partners ang sitwasyon, at ongoing na ang repair work sa Bicol. As of 2:03 p.m., naibalik na ang internet services sa 85% ng aming subscribers na apektado ng bagyo.
Para din sa kaligtasan ng aming mga empleyado, partners, at customers, pansamantala naming isinara nang maaga ngayong araw ang aming business centers sa mga apektadong lugar.
Handa ring maglingkod sa inyo ang aming online channels. Maaari din ninyong imonitor ang Converge Support social media pages para sa karagdagang updates. Abangan din ang updates at sundin ang advisories ng government agencies.
Ingat, mga ka-Converge!