Loading...
Loading...
Bagyong Nando
Converge
September 22, 2025
Sa pinakahuling advisory ng PAGASA, nagbabala ito ng panganib sa buhay at kaligtasan sa mga lugar sa hilagang bahagi ng Hilagang Luzon habang papalapit sa Babuyan Islands ang Super Typhoon Nando.
Nakataas na ang Signals No. 2 to 5 sa mga lugar sa Cagayan Valley, Ilocos, at Cordillera, habang Signal No. 1 naman sa Pangasinan, mga bahagi ng Quezon, at mga lugar sa Central Luzon.
At dahil sa Super Typhoon Nando at sa pinatinding Habagat, maaari pa ring maranasan ang matinding pag-ulan sa mga bahagi ng Luzon hanggang bukas.
Bagama’t walang naging malaking impact ang bagyo sa aming core network, na nananatiling matatag at nag-o-operate nang ayon sa normal parameters, naapektuhan nito ang aming last-mile network sa mga lugar na tinamaan at nakaranas ng power outages, pagbaha, at fiber cuts.
Patuloy na tinututukan ng Converge at ng aming partners ang sitwasyon, at ongoing na ang repair work sa mga lugar na kinabibilangan ng Cordillera, Cagayan, Ilocos, at Central Luzon. As of 1 p.m., naibalik na ang internet services sa 37% ng aming subscribers.
Para matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo hangga’t maaari, nag-deploy rin kami ng generators para pansamantalang paandarin ang aming network hanggang sa maibalik ang commercial power. Pero dahil isinasaalang-alang namin ang ang kaligtasan ng aming crew, maaaring maantala ang repair sa mga lugar na may baha at may panganib ng pagkakuryente.
Para rin sa kaligtasan ng aming mga empleyado, partners, at customers, pansamantala rin naming isinara ngayong araw ang aming business center sa Baler, Aurora, pero nagbibigay ng libreng Wi-Fi at charging ang iba naming business centers sa mga apektadong lugar.
Handa ring maglingkod sa inyo ang aming online channels. Maaari din ninyong imonitor ang Converge Support social media pages para sa karagdagang updates. Abangan din ang updates at sundin ang advisories ng government agencies.
Ingat, ka-Converge!