Bagyong Emong at Bagyong Dante
Converge
July 24, 2025
Lumakas pa ang Bagyong Emong, at itinaas na ng PAGASA ang Wind Signal No. 3 sa ilang bahagi ng Pangasinan at La Union. Itinaas na rin ang Wind Signals No. 1 at 2 sa mga iba pang lugar sa Ilocos, Cordillera, Cagayan Valley, at Central Luzon.
Samantala, napanatili ng Bagyong Dante ang lakas nito at — kasama ng Bagyong Emong — ay patuloy na pinatitindi ang Hanging Habagat. Dahil dito, patuloy pa ring mararanasan ang malakas na ulan hanggang weekend sa ilang bahagi ng Luzon.
Patuloy na tinututukan ng Converge at ng aming partners ang sitwasyon, at ongoing pa rin ang repair sa aming last-mile network sa mga lugar na apektado ng masamang panahon sa Cordillera, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, at Mimaropa. Pero dahil isinasaalang-alang namin ang ang kaligtasan ng aming crew, maaaring maantala ang repair sa mga lugar na may baha at may panganib ng pagkakoryente.
Para matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo hangga’t maaari, nag-deploy rin kami ng generators para pansamantalang paandarin ang aming network hanggang sa maibalik ang commercial power.
Bagama’t kinailangan pa rin naming pansamantalang isara ang ilang business centers, patuloy na nagbibigay ng free Wi-Fi at libreng charging ang mga nananatiling bukas.
Handa pa ring maglingkod sa inyo ang aming online channels. Maaari din ninyong imonitor ang Converge Support social media pages para sa karagdagang updates.
Abangan din ang updates at sundin ang advisories ng government agencies. Ingat, Ka-Converge!